Nakatakdang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga palpak na gawain ng ilang online gambling centers.
Ito’y makaraang mabunyag sa pagdinig ng Senado kahapon na mas marami pang mga Tsino na iligal na nagtatrabaho sa mga online na pasugalan sa bansa.
Lumabas sa tala ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation na limitado lamang ang mga binibigyang pahintulot na magtayo ng online gambling center.
Subalit hindi kasama sa mga nabanggit ang dalawang libong (2,000) tauhan ng Chinese gambling tycoon na si Jack Lam na naaresto ng mga awtoridad sa Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.
By Jaymark Dagala