Pahihintulutan nang makapasok ng Pilipinas ang lahat ng mga dayuhang may hawak na valid visa, maliban sa mga turista.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung saan kabilang dito ang mga dayuhang namumuhunan, nagnenegosyo, nagtatrabaho, may asawa at anak sa bansa.
Gayunman nilinaw ni Roque, na hindi pa rin papayagan ang pagbiyahe patungong pilipinas ng mga dayuhang may kasintahan, karelasyon o fiance na Pilipino.
Paliwanag ng kalihim, ito ay dahil nasa ilalim pa rin ng kategoryang “tourist” ang hawak nilang visa, kahit pa hindi turismo ang kanilang pakay sa bansa.
Batay sa naunang kautusan ng IATF, tanging mga dayuhang may hawak na valid visa at inisyu lamang simula March 20,2020 ang pinayagang makapasok ng Pilipinas.