Bibigyan ng Bureau of Immigration (BI) ng panahon o “grace period” ang mga dayuhang naapektuhan ng aberya sa mga paliparan noong Enero a – 1.
Batay ito sa inilabas na abiso ng BI para sa pagpapalawig ng validity ng mga emigration clearance certificate (ECC) ng mga apektadong banyaga sa bansa.
Ayon kay BI Spokesman Melvin Mabulac, kung nag-expire na ang Visa ng mga dayuhang apektado, magkakaroon naman ng waiver batay sa kautusan ni Commissioner Norman Tansingco.
Nakasaad sa abiso na kikilalanin o i-o-honor pa rin hanggang January 12 ang Visa basta’t ipakita lang ang kanilang ticket ng kanseladong flight noong January 1 at mga sumunod na araw maging ang kanilang boarding pass.
Ang mga lalagpas naman umano sa deadline ay kailangang magpakita ng updated Visa para hindi magkaroon ng aberya sa kanilang pag-alis sa Pilipinas.