Iniutos ng gobyerno ng Russia na isasailalim sa mandatory medical check-ups at drug tests sa lahat ng mga dayuhan na magtutungo sa nasabing bansa.
Ang naturang batas ay naging epektibo na nag-aatas sa mga dayuhan at mga long-term visitors na kuhanan ng fingerprints at regular na mandatory medical check ups.
Habang ang mga nanirahan sa kanilang bansa ng mahigit siyamnapung araw ay isasailalim sa pagsusuri kung sila ba ay dinapuan ng sexually transmitted disease, tuberculosis at kung gumagamit ito ang iligal na droga.
Samantala, pinabulaanan din ng Russian government ang alegasyon na ang mga dayuhan ay isasailalim sa naturang pagsusuri tuwing tatlong buwan.