Wala pang namomonitor ang Armed Forces of the Philippines o AFP na pagtatangkang pagpasok sa Pilipinas ng mga teroristang ISIS mula sa ibang bansa.
Ayon kay Philippine Army Chief of Staff Gilbert Gapay mas pinaigting nila ang seguridad kaya tiyak na mahihirapang makapasok ang mga dayuhang terorista sa bansa.
Nakipag-sanib pwersa na rin aniya ang Pilipinas sa pamamagitan ng trilateral agreement sa Malaysia at Indonesia para pigilan ang mga terorista sa posibleng pagpasok sa mga tinaguriang “backdoor” kung saan magsagawa ng regular na joint patrol operations sa mga karagatan ng tatlong bansa.
—-