Hindi sabay-sabay na nakapasok ng bansa ang umano’y walo (8) hanggang labing limang (15) dayuhang terorista na namataan sa mga lalawigan ng Lanao del Sur at Maguindanao.
Ayon ito kay Armed Forces of the Philippines o AFP Pio Col Edgard Arevalo na nagsabing halos labing limang (15) taon na ang nakakalipas nang unti-unting makapasok sa bansa partikular sa Mindanao ang mga nasabing foreign terrorist na nagsasanay sa mga lokal na terorista.
“Yan pong bilang na yan ay kung baga was tallied overtime, nag umpisa po yan panahon pa noon ng Jemaah Islamiah nina Osama Bin Laden around early 2000, may pumapasok po dito at kinukokop po ng mga locals, subalit ang maganda ho na puntohin dyan ay hindi po yan nangyari overtime and a lot of them was neutralized by our Armed Forces of the Philippines”, ani Arevalo.
Tiniyak ni Arevalo ang patuloy na operasyon laban sa mga nasabing terorista at marami sa mga ito ay nasawi na sa kanilang mga pagkilos.
“Patuloy po ang ating kina-conduct na focus military operations at so far masasabi po natin na very successful ito. May mga balita po tayo, ito pong intelligence reports na marami na po tayong nano-neutralized sa kanila but assure that on their nature of their tradition and customs is immediately ginagawan nila ng paraan na mailibing nila kaagad yan and that a quiet challenge on our part hindi po natin, hindi ginugusto natin na meron po tayong body count but there are a lot of way of monitoring, and determining, and validating information with regards with their number of casualties”, pahayag ni Arevalo sa panayam ng DWIZ.
By Judith Estrada – Larino | Sapol si Jarius Bondoc (Interview)