Tinatayang nasa 40 dayuhang terorista ang binabantayan ngayon ng mga awtoridad makaraang makumpirma ang pagpasok nito sa bansa.
Ito ang inihayag ni EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command Deputy Commander Brig/Gen. Gilbert Gapay, batay na rin sa nakalap nilang intelligence reports.
Ayon kay Gapay, tukoy na ang pagkakakilanlan ng mga nasabing terorista mula sa Malaysia, Indonesia, Saudi Arabia at Pakistan na kasapakat ng Maute Terror Group.
Karamihan aniya sa mga ito ay nakapuslit gamit ang backdoor channels sa Mindanao kung saan hindi masyadong nababantayan dahil sa lawak ng coastline ng Mindanao.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Mga dayuhang terorista na nasa bansa tinatayang nasa 40 ayon sa AFP was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882