Hahanapin ng PNP ang 40 dayuhang terorista na umanoy nakapasok sa Pilipinas.
Tiniyak ito ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa matapos ibunyag ng Western Mindanao Command ang Intelligence Reports hinggil sa mga dayuhang terorista na nakatawid na ng dagat.
Itinanggi naman ni Dela Rosa na nakalusot sa kanilang security measures ang mga umanoy foreign terrorist.
Sinabi ni Dela Rosa na bini-verify pa nila ang nasabing report at patuloy ang koordinasyon nila ng AFP para tuluyang matugis ang mga naturang terorista.
Posted by: Robert Eugenio