Tinitiyak ng Commission on Elections (COMELEC) na magiging patas ang mga presidential at vice presidential debate upang makatulong sa mga botante na kilatasing maigi ang kanilang mga kandidato.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Director James Jimenez, sa katunayan ay isinasapinal na nila ang format ng unang sigwada ng presidential debate sa Marso a–19.
Layunin anya nilang i-presenta ang format sa mga kandidato na kanilang maiintindihan, maging ang mga maaari at hindi pwedeng gawin sa debate.
Tututok ang mga tanong sa mga plataporma, plano ng mga kandidato nasasalain naman ng poll bodyupang maintindihan ng publiko ang mga pinag-uusapan.
Idinagdag ni Jimenez na isang mamamahayag ang magsisilbing moderator ng debate upang maging buhay ang diskusyon.
Tatagal ng dalawang oras ang debate at bibigyan ng isa’t kalahating minuto upang makapagsalita ang bawat kandidato.