Umarangkada na ang unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong Biyernes, Disyembre 16.
Sinasabing may ilang simbahan sa Quezon City na nagsimula ang unang misa kagabi at sinundan naman ng alas-4:00 ng umaga.
Sa Quiapo at Baclaran Church, puno ng mga deboto ang mga simbahan kung saan grupo ng mga kabataan ang karamihan sa mga pumapasok.
Kapansin-pansin na mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng Pambansang Pulisya sa paligid ng mga simbahan upang mapanatiling maayos at ligtas ang mga deboto.
Bukod sa mga inilalatag na checkpoints at undercover police sa mga matataong lugar at sa paligid ng simbahan, may mga barangay tanod din sa bawat barangay.
Sinasabing kailangan ng ayuda ng mga pulis mula sa barangay upang mapanatiling payapa ang Simbang Gabi na magtatapos sa Disyembre 24 , taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez