Dumagsa ang ilang mananampalataya sa iba’t ibang simbahan para ipagdiwang ang Easter Sunday o araw ng pagkabuhay ng Hesukristo.
Sa Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala sa tawag na Quiapo Church, maraming deboto ang hindi na nakapasok pa sa loob kaya’t sa labas na lamang sila ng simbahan nakinig ng misa.
Isinagawa rin dito ang tradisyonal na Salubong ng mga imahe nina Virgin Mary at Risen Christ kaninang alas 12 ng hatinggabi.
Bandang alas-6:30 ng umaga naman ginanap ang unang misa sa Baclaran Church habang alas dos ng madaling araw naman ng isarado ang Scout Ybardolaza Street sa patungong Sacred Heart Parish sa Quezon City para sa Salubong kaninang alas-4.
Ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ay indikasyon ng pagtatapos ng tradisyonal na kuwaresma. —sa panulat ni Abie Aliño