Sinaksihan ng mga deboto ang tradisyonal na “pabihis” ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church.
Dumagsa ang mga ito sa Plaza Miranda para sa buong araw na mga misa bago ang Walk of Faith.
Tiniyak ng mga otoridad na mahigpit nilang ipatutupad ang seguridad at physical distancing, kasabay ng ginawa nilang pagpapakalat ng mga yellow signages sa lugar.
Ipinaliwanag ng simbahan na maliban sa pagbibigay pasasalamat, simbolo din ang pabihis ng Black Nazarene ng malaking epekto nito sa buhay ng maraming Katoliko.
Matapos ang dressing ceremony, marami parin ang nanatili sa loob ng Quiapo Church para pagsisimula ng “Pagbabasbas” at “Pahalik” sa damit ng Nazareno.
Ayon sa mga deboto, kahit wala ang tradisyonal na traslacion magpapatuloy pa rin ang kanilang debosyon sa Black Nazarene.