Nagsimula ng dumagsa ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa kahabaan ng Plaza Miranda sa unang misa sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Father Earl Allyson Valdez, Spokesperson of Quiapo Church, mas mainam na dalhin sa prusisyon ang mga maliliit na Replica ng Nazareno.
Tuloy-tuloy pa rin ang mga aktibidad kahit umulan o umaraw kaya pinaalahanan ang deboto na magdala na lamang ng kapote.
Samantala, magsisimula na bukas, Jan. 08, ang Walk of Faith Procession Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church mula alas-2 ng hanggang alas-4 ng madaling araw. —sa panulat ni Jenn Patrolla