Hinimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag munang sumali o pisikal na makiisa sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Ayon kay Moreno, ito’y dahil hindi pa pupwedeng magpakampante lalo’t nariyan pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa ni Moreno, ipakita na lamang ang pananampalataya at pagmamahal sa Poong Nazareno sa pamamagitan ng paglagi sa kani-kanilang mga tahanan para hindi ma-expose sa banta ng virus.
Pero, ani Moreno, sa mga pipiliin pa ring saksihan ang Pista ng Nazareno sa Quiapo Church, bukas naman ang ilang mga kalsada malapit sa simbahan para sa debotong hindi makakapasok sa loob ng simbahan.
Kasunod nito, bilang pag-iingat sa COVID-19, bibigyan ng mga personal protective equipments (PPEs) gaya ng face shields at face masks ang mga debotong magpupunta sa Quiapo Church.