Pagpapakita ng matatag na pananampalataya sa Diyos ng mga Pilipino ang patuloy pa ring pagdagsa ng mga deboto sa pista ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel, maraming karanasan ang mga deboto na nagpapatunay ng mapaghimalang kapangyarihan ng Poon.
Kasabay nito, patuloy ang pakikiusap ni Monsignor Coronel sa mga pulitiko na huwag nang pumapel sa naturang relihiyosong aktibidad.
“Values may guidelines na yun, pinagtatanggal na po yung mga streamer dito sa daan kung may nakalagay ng pulitiko, tapos sa Luneta naman, doon na sila sa bleacher, like any other person.” Pahayag ni Coronel.
By Rianne Briones | Ratsada Balita