Dinagsa pa rin ng mga deboto ang Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila ngayong araw kasabay na rin ng kapistahan ng kanilang patron.
4:00PM pa lamang kaninang umaga nang magsimula ang sunud-sunod na banal na misa subalit ala una pa lang kaninang madaling araw ay may mga nagaabang nang mga deboto.
Tatlongdaan (300) lamang ang pinapayagang makapasok sa loob ng simbahan kaya’t nanatili sa labas ang mga hindi nakapasok at nakatuntong sa inilagay na marker upang masunod ang physical distancing.
Una nang kinansela ng pamunuan ng simbahan ang mga pisikal na aktibidad para sa pista tulad ng tradisyunal na prusisyon, street dance at iba pa bilang pag-iingat sa COVID-19.