Muling pinaalalahanan ng simbahang katolika ang lahat ng mga deboto at namamanata sa mga maling tradisyon.
Ayon kay Fr. Francis Lucas, pangulo ng Catholic Media Network (CMN), marami namang paraan para ipakita sa diyos ang pagsisisi at pagtitika sa mga kasalanan.
Nariyan aniya ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa tulad ng mga mahihirap at mas nangangailangan nang hindi na kinakailangang isapubliko pa.
Paulit-ulit na iginigiit ng simbahan ang pagtutol nito sa iba’t ibang tradisyon at pamamaraan ng pagpepenitensya tulad ng pagpalo sa likod at pagpapa-pako sa krus.
Gayunman, aminado si Fr. Lucas na hindi kayang pigilan ng simbahan ang mga nakagisnan nang tradisyon sa lalo’t ito aniya ang nagbibigay lakas sa ilan para ipakita ang kanilang pananampalataya.