Mas dumami ang bilang ng mga debotong makakapasok sa loob ng Baclaran Church sa lungsod ng Parañaque nitong Miyerkules na tinaguriang “Araw ng Baclaran”
Ito’y matapos sumailalim sa alert level 3 ang Metro Manila na itinaas sa 30% ang indoor capacity mula sa 20% at 50% ang outdoor capacity mula sa dating 30%.
Patuloy naman ang pagsunod ng mga deboto sa health protocols ng naturang simbahan.
Samantala, ito ang tinaguriang unang Baclaran Day na nasa alert level 3 ang Metro Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho