Pumalo sa mahigit 500,000 ang mga debotong lumahok sa pagdiriwang ng pista ng itim na Nazareno ngayong araw.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) , nasa 401, 500 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church habang 122, 630 Naman Sa Quirino Grandstand.
Nabatid na 3 taon nahinto o nakansela ang traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa halip, pinahintulutan lamang ang mga misa at paglahok sa worship activities sa Quiapo at Quirino Grandstand.