Pinayagan na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga dentista na magsilbing vaccinators ngunit dapat ay mayroong emergency order mula sa Department of Health.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., nakipagpulong siya sa Rotary Clubs, Philippine Dental Association, at PRC upang tumulong sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga lalawigan.
Sinabi pa ni Abalos na handa ang mga LGUs sa Metro Manila na bakunahan ang mga residente mula sa kalapit na mga probinsya. —sa panulat ni Hya Ludivico