Hiniling ng ilang mambabatas ang panukalang batas na gawing COVID-19 vaccinators ang mga dentista at medical technologists.
Ito’y base sa inihaing House Bill 9354 house committee on health chairman Angelina Tan, Marikina Rep. Stella Quimbo at Quezon City Rep. Kit Belmonte.
Sa ilalim ng Republic Act 11525 o COVID-19 vaccination program act of 2021, nakasaad rito na maaaring magbakuna ang mga nurse, doktor at mga na-train na pharmacists at midwives sa COVID-19 vaccination roll out.
Binigyang diin ng tatlong mambabatas na malaki ang maitutulong ng mga medical frontliners para mapalawak ang COVID-19 vaccination ng pamahalaan.
Ipinabatid nila na kailangan bilisan ang isinasagawang pagbabakuna upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.