Isinusulong ng mga kongresista na gawing vaccinators kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga dentista at medical technologists.
Kasunod na rin ito nang inihaing House Bill 9354 nina House Committee on health Chair Helen Tan, Marikina Congresswoman Stella Quimbo at Quezon City Congressman Kit Belmonte bilang amiyenda sa Republic Act 11525 o COVID-19 vaccination program act of 2021.
Ayon sa kasalukuyang batas, ang mga doktor, nurses at trained pharmacists at midwives ang maaaring mag bakuna sa COVID-19 roll out ng gobyerno.
Binigyang diin ng mga kongresista na malaki ang maitutulong ng dagdag na medical personnel para mapalawak ang COVID-19 vaccination ng gobyerno.
Kailangan aniyang mabilisan ang pagtututok at maagapan ang posibleng expiration o pagkasayang ng mga bakuna, sa harap na rin nang inaasahang pagdating ng mas maraming bakuna sa bansa.