Mahigit isang milyong mga depektibong balota ang sinira ng COMELEC o Commission On Elections para sa barangay at sangguniang kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ang naturang mga depektibong balota na sumobra mula sa pagkakamali sa imprenta.
Sa itinatalaga kasi ng batas dapat ay one is to one lamang ang bilang balota sa mga botante.
Sinira ang tigkalahating milyong balota para sa barangay at sangguniang kabataan elections upang maiwasan ang posibleng maling paggamit nito.
Sinaksihan ng mga opisyal ng COMELEC, National Printing Office at mga election watchdog ang pagsisira sa mga balota.