Inaayos na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga detalye, para sa gaganaping huling yugto ng presidential at vice-presidential debates.
Ito ay matapos maantala ang nakatakda sanang debate ngayong weekend, matapos magka-aberya sa organizer na hindi umano nagbayad sa venue na Sofitel Hotel.
Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferrolino, nakikipag-ugnayan na sila sa panibagong partner para sa mga detalye ng debate na ini-usog sa Abril a-30 at Mayo a-1.
Nabatid na una nang inanunsiyo ng Comelec na magiging katuwang nila sa nausog na debate ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mapapakinggan ang debate sa lahat ng radyo at telebisyong miyembro ng KBP sa buong bansa.