Mas mataas ang tyansa na tamaan ng bagong variant ng COVID-19 ang mga hindi bakunado.
Ayon kay Infectious Disease Specialist Doctor Edsel Salvana mas mabilis ang replikasyon ng virus sa isang taong unvaccinated kung saan mas mataas ang tyansa na maglabas ito ng mga mutations at bagong variant.
Matatandaang nagpatupad ang gobyerno ng mga patakaran sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal para maiwasan ang hawaan ng naturang sakit. —sa panulat ni Airiam Sancho