Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kakasuhan nito ang mga taong kumuha ng special amelioration program (SAP) kahit hindi ito kwalipikadong makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa pahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista, sa oras aniya na ma-validate na talagang hindi dapat makatanggap ng naturang subsidy ang indibidwal, kailangan nitong ibalik ang pera subalit hindi nangangahulugang abswelto na ito sa asunto.
Dagdag pa ni Bautista, hindi lamang ang mga ‘di kwalipikadong benepisyaryo ang mahaharap sa kaso, maging ang opisyal ng barangay na pumayag na mabigyan sila.
Samantala, iginiit din ng kalihim na ipapaskil nito ang mga pangalan ng mga nakatanggap ng cash subsidy sa website ng ahensya alinsunod na rin sa mungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) unit na isapubliko ang mga ito.