Hindi ka pa rin ba nakapag-register ng Globe Prepaid, TM, Globe At Home Prepaid WiFi SIM at iba pa matapos ang 211 araw na registration period?
Ayon sa isang telco, mula July 26 hanggang 30, 2023, may pagkakataon pang mag-reactivate ang prepaid SIM bago tuluyang maging permanente ang deactivation ng ng mobile services. Ito’y ayon sa implementing rules and regulations ng SIM Registration Act na nagbibigay ng 5-day grace period para sa mga hindi nakapag-register ng SIM.
Ngayong lagpas na ang deadline, mararamdaman mong incoming text messages na lang ang active na service sa iyo. Wala ka nang outbound calls at text, wala na ring outgoing at incoming voice calls at data services. Hihintayin mo na lang bang tuluyan at permanente nang madeactivate ang iyong SIM?
Gamitin mo na ang 5-day grace period para makahabol. Bukas pa rin ang SIM registration portal ng Globe, ang https://new.globe.com.ph/simreg, at ang GlobeOne app para sa SIM reactivation. Maaari ring lumapit sa Globe Stores at EasyHubs kung kailangan ng tulong.
Matapos magpa-reactivate, babalik sa normal ang iyong mobile services sa loob ng 24 oras.
Kung hindi gagawin ang hakbang na ito, permanent deactivation na ang katapat at hindi mo na muli pang magagamit ang iyong SIM para sa texts, calls at mobile data connectivity. Maaari ring maapektuhan ang paggamit mo ng mobile apps.
Simula rin sa July 31, 2023, lahat ng natitirang load at promo registrations sa unregistered SIMs ay mawawala na. Kung na-deactivate nang permanente ang SIM, kailangang bumili ng bagong SIM para maka-access ng mobile services. Para magamit ang bagong SIM, kailangan pa rin itong i-activate.
Kaya mga kababayan, kung hanggang ngayon ay hindi pa rin rehistrado ang SIM mo, aba eh humabol na. Para rin ito sa iyong proteksyon laban sa kumalakat ng cybercrime at iba pang mga panloloko.