Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na wala pang bakuna kontra COVID-19 na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.
Una nang ipinag-utos ng Pangulo sa mga Barangay official na panatilihin sa kanilang mga bahay ang hindi pa nababakunahang residente.
Paliwanag naman ni FDA Director General Eric Domingo na mas mataas pa rin ang tyansa na magkasakit at mamatay dahil sa COVID-19 ang mga senior citizen at may commorbidities kung kaya’t sila ang iprinayoridad na mabakunahan kontra COVID-19 kumpara sa mga kabataan.
Samantala, ikinukunsidera rin ng Pangulo na makipag-usap sa kongreso hinggil sa pagkakaloob ng tax relief sa mga manufacturer ng medical oxygen.
Ito ay upang matiyak ang suplay nito sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 at delta variant sa bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico