Pahirapan na para sa mga dialysis patient ang pagpapagamot sa harap ng COVID-19 surge.
Ilan sa mga nasabing pasyente ay nahihirapang maghanap ng medical facilities lalo’t marami pa ring COVID-19 patient sa mga ospital, partikular sa Metro Manila.
Halimbawa na lamang nito ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Kung saan punuan na ang covid wards bukod pa sa naka-quarantine ang mahigit limandaan nilang personnel matapos tamaan ng covid.
Nilinaw naman ni NKTI Deputy Director for medical services, Dr. Romina Danguilan na hindi naman nila tinatanggihan ang mga pasyente.
Pero kahit anya mayroon silang karagdagang 20 dialysis machines, hirap pa rin sila sa sitwasyon dahil sa buhos ng mga pasyente.
Samantala, pinayuhan ni danguilan ang ilang hemodialysis centers na i-accommodate ang ilang pasyente upang mabawasan ang siksikan sa NKTI.