Tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.
Ayon kay Health Expert Dr. Anthony Leachon karamihan sa mga dinadapuan ng virus sa Western Visayas ay mga authorized persons outside of residence (APOR), locally stranded individuals (LSI’s) at returning overseas Filipino’s.
Sinabi ni Leachon na ito ang dahilan kaya’t hindi pa dapat makampante kahit pa idineklara na ng UP OCTA research team na na-flatten na ang curve ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila at CALABARZON Region.
Binigyang diin ni Leachon na mas mabuting magdeklara ng MECQ sa buong Western Visayas sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
Subalit sa Metro Manila inihayag ni Leachon na dapat ituloy na lamang ang mindset ng voluntary ECQ para magpatuloy ang pagbaba ng infection rate.