Ibinabala ng Department of Health (DOH) na malaki ang banta ng pagkakaroon ng diabetes ng mga dinapuan ng COVID-19 virus.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, may kaugnayan ang diabetes at COVID-19 batay sa mga pag-aaral.
40% aniya ang tyansa na tamaan din ng diabetes ang mga taong nagkaroon ng COVID-19.
Iginiit ni Vergeire na ang pagbabakuna ang pinakamahusay na proteksyon laban sa COVID-19 at diabates kasunod ng pagsusuot ng face mask.
Pinayuhan naman ng kagawaran ang publiko na alamin kung may history ang kanilang pamilya ng diabetes upang maging handa sa sakit.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla