Naitala ang 15 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 15,865 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 80 mga bansa.
Sa naturang bilang, 5,277 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,547 na matapos na maitala ang 11 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, naitala ang isang nasawing Pilipino dahil sa virus, dahilan para umakyat ang bilang nito sa 1,041 total deaths sa ibayong dagat.