Dapat munang alamin at unawain ng European Union (EU) ang pinagdaraanang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magkomento sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Ito ang sagot ng Malacañang sa pahayag ni EU Trade Commissioner Cecilia Malmstrom na posibleng makaapekto sa trade relations ng Pilipinas at EU ang anti-drug war ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malalim ang dinatnang problema ng Pangulo hinggil sa korapsyon, krimen at droga dahil maraming mga nasa gobyerno ang kasangkot dito.
Hindi aniya maaaring pabayaan ng gobyerno na madiskaril o maantala ang mga ginagawang reporma ng Pangulo dahil kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan pati na ang mga nagnanais maglagak ng negosyo sa bansa.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)