Hinikayat ng Movie and Television review and Classification Board (MTRCB) ang mga direktor na lumikha ng mas maraming pelikula sa kabila ng tila pagtamlay ng film industry.
Ayon sa bagong MTRCB chairperson na si Rachel Arenas, dapat manumbalik ang dating sigla ng industriya sa pamamagitan ng paggawa ng mga makabuluhang pelikula.
Anya, nais niyang makita ang mga pelikula, dokumentaryo o short film na tumatalakay sa mga kwento ng buhay ng bawat Pilipino lalo’t maraming talentadong filmmakers hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Umaasa naman si Arenas na miyembro rin ng executive committee ng Metro Manila Film Festival na magiging maayos ang pagtutulungan nila ni Liza Diño na chairperson ng Film Development Council of the Philippines upang maibalik ang dating sigla ng pelikulang Pilipino.
By Drew Nacino