Palalawigin ng mga kumpanya ng langis ang kanilang Piso o higit pang diskuwento kada litro sa presyo ng diesel at gasolina para sa mga Public Utility Vehicle.
Alinsunod ito sa nilagdaang Memorandum Of Agreement ng Department of Energy (DOE) Shell, Petron at Phoenix Petroleum.
Tiniyak din ng mga naturang oil company na pararamihin ang gas stations nilang nag-aalok ng discount.
Sa ngayon ay jeep pa lamang ang may diskuwento sa Petron at Phoenix, pero ilang sangay ng Shell ay mayroon namang discount sa mga taxi.
Inaasahan naman ng DOE na makatutulong ang diskuwento sa mga tsuper, lalo’t tinaasan ang mga produktong petrolyo simula pa noong Enero.
RPE