Malinaw umanong may nilabag ang mga doctor na nagreseta ng anti parasitic drug na Ivermectin bilang gamot o panlaban sa COVID-19.
Ito ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng National Task Force against COVID-19.
Ani Leachon dapat na managot ang mga doktor na ito dahil sa paglabag sa code of ethics at unprofessional conduct dahil sa pagiisyu ng reseta ng gamot na hindi naman rehistrado ng Food and Drug Administration.
Giit ni Leachon, hindi pa napapatunay ang tunay na epekto ng pag-inom ng ivermectin bilang panlaban sa COVID-19.
Magugunitang namahagi ng libreng kapsula ng Ivermectin ang dalawang mambabatas kung saan may kasama umanong doktor ang mga ito na siyang nagbibigay ng reseta para sa paggamit ng Ivermectin.