Nanawagan sa publiko ang ilang mga doktor kaugnay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang transakyon ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (ps-dbm) at Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ang panawagan sa publiko ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Encarnita Limpin ay para suportahan ang imbestigasyon laban sa katiwalian ng gobyerno sa pagbili ng pandemic supplies.
Samantala, sinabi ng dating pangulo ng Philippine College of Physicians na si Dr. Anthony Leachon, anim na dating kalihim ng Department of Health sa bansa ang kanilang kaisa laban sa katiwalian at korapsyon ng pamahalaan. —sa panulat ni Airiam Sancho