Posibleng ilabas na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga dokumentong magdidiin sa mga sangkot sa anolmaya sa maintenance ng MRT Line 3 (MRT-3) sa mga susunod na araw.
Ayon kay Roque, oras na maayos na niya ang lahat ng mga dokumento, agad niya itong ipapasa sa Department of Justice at National Bureau of Investigation.
Dagdag ni Roque, dalawang whistleblowers na rin aniya ang lumapit sa kanya na direktang may kinalaman sa MRT maintenance project at maraming nalalaman sa grupong nakinabang sa pondo nito.
Bagama’t tumanggi na muna si Roque na pangalanan ang mga nasabing whistleblowers, kanya namang pinabulanan na isa rito ay si dating MRT General Manager Atty. Al Vitangcol.
Samantala, umaasa naman si Roque na magiging patas ang Ombudsman sa kanilang imbestigasyon kaugnay ng kasong plunder na inihain laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration na idinadawit sa anomalya sa MRT.
—-