Isusumite na ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa August 19 ang mga dokumento para sa 2023 National Budget.
Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod ng Special cabinet meeting na ginanap kahapon kung saan iprinisinta ang panukalang pondo.
Ayon kay Cruz-Angeles, tututukan ng DBM ang pag-iimprenta ng budget documents kabilang na ang printing ng national expenditure program, budget expenditures and sources of financing, staffing summary, at budget message ng Pangulo.
Pagkatapos isumite kay Pangulong Marcos, sa August 22 naman inaasahang maipapadala ang panukalang pondo sa kongreso.
Matatandaang una rito, sinabi na noon ni Cruz-Angeles na magiging prayoridad sa pondo ang sektor ng edukasyon.