Inihahanda na ng mga kinauukulang ahensya ang mga kinakailangang dokumento na magpapatibay sa kanilang mga kahilingan sa Commission on Election (Comelec) na huwag nang saklawin ang ilang infrastracture projects sa kanilang public works ban ngayong panahon ng halalan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, susunod ang Malakanyang sa mga hinihiling ng batas hinggil sa pagbabawal laban sa mga public works o pampublikong proyekto ng gobyerno.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang mga kinauukulang ahensya para maisumite ang angkop at kumpletong dokumento na hinihingi ng Comelec.
Magugunitang noong Pebrero pa humiling sa Comelec ang mga economic manager ng administrasyon para sa exemption sa ilang proyekto ng gobyerno o isang buwan bago tuluyang maipatupad ang naturang ban.
Kabilang naman sa listahan ang nasa 145 na programa at proyekto ng mga ahensya ng gobyerno at government corporations na nagkakahalaga ng P500 billion.
—-