Ipapadala na ng Department of Justice (DOJ) sa Indonesian government, ang mga dokumento hinggil sa kaso laban sa mga recruiter ni Mary Jane Veloso.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kanila nang ipapaalam sa Attorney General at sa Minister of Law and Human Rights ng Indonesian government ang pagsasampa ng kasong swindling, trafficking, at illegal recruitment laban kina Maria Christina Sergio, Julius Lacanilao at isang miyembro ng West African drug syndicate na kinilala lamang na “Ike.”
Isasama din sa mga isusumiteng dokumento ang tinatayang timeline sa pagbasa ng sakdal laban sa mga suspek, at ang kanilang kahilingan na makausap ng personal ang mga nag-iimbestiga sa kaso ni Veloso.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)