Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na sinadyang sirain ang mga mahahalagang dokumento at records sa tanggapan ng PhilHealth sa Region 1 para pabulaanan ang isyu ng korupsyon.
Ani Lacson hindi siya kumbinsido na dahil sa tagas sa kisame dulot ng malakas na ulan ang naging dahilan sa pagkasira ng mga ito.
May mga indikasyon na ito’y hindi natural ang cause, kasi ang report habang nagsasagawa sila ng imbentaryo—pag-sasaliksik ng dokumento, nagtuluan. Pagkatapos, ang tinamaan talaga ng tulo ay ‘yung IT department at tsaka ‘yung sa accounting,” ani Lacson.
Kaugnay nito, nauna nang tiniyak ng pamunuan ng sangay ng PhilHealth na walang importanteng dokumento ang nasira o nabasa.