Magpapataw ng dagdag singil ang Philippine Statistics Authority o PSA sa mga kukuha ng dokumento tulad ng birth certificate, marriage certificate at iba pa.
Ayon sa PSA ito ay dahil sa epekto ng ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Simula February 2, magkakaroon ng kinse pesos (P15) na dagdag ang kanilang sisingilin na fee sa bawat opisyal na dokumentong kanilang ilalabas.
Dahil dito, magigng 155 pesos na ang singil sa birth certificate, marriage at death certificate na dati ay 140 pesos lamang.
Magiging 210 pesos naman ang bayad sa certificate of marriage o CENOMAR na dating 195 pesos.
—-