Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga dokumentong isinumite ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y may kaugnayan sa sandamukal na umano’y mga paglabag ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa karapatang pantao, gayundin sa International Humanitarian Law.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, aabot sa 1,672 ang mga kaso at paglabag sa karapatang pantao ng mga komunistang terrorista mula pa noong taong 2010 hanggang sa kasalukuyan.
Aniya, kabilang dito ang paggamit sa mga child warriors, pagpatay, paninira ng mga kagamitang sibilyan, paggamit sa mga anti-personnel mines at iba pa. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)