Hinihintay pa ni Atty. Larry Gadon na makumpleto ang mga kailangang dokumento para maisampa ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi sa DWIZ ni Atty. Larry Gadon na mahalaga ang mga dokumento para mapatunayang nag-abuso sa kapangyarihan si Sereno at nagkaroon ng Betrayal of Public Trust.
Nakapaloob aniya sa hinihintay na mga dokumento ang listahan ng mga nabing biyahe nito, kung sino ang mga kasama pati na ang listahang mga hotel na tinuluyan niya.
Sinabi ni Atty. Gadon na masyadong maluho ang naging mga biyahe ng Chief Justice kayat dapat na malaman ng taongbayan kung ano ang mga ginagawa nito.
By: Aileen Taliping
SMW: RPE