Ipinagbabawal pa rin ang domestic flights sa may 17 lugar sa bansa.
Ito ang dahilan ng kabi-kabilang kanselasyon ng mga flights na nagresulta sa pagkaka-istranded ng maraming pasahero sa NAIA.
Kabilang dito ang Dumaguete Airport, Maasin Airport, Hilongos Airport, Sanga-Sanga Airport, Ozamis Airport, Bohol-Panglao International Airport, San Jose Airport, Marinduque Airport, Bacolod Silay Airport, Kalibo International Airport, Roxas Airport, Caticlan Airport, Calbayog Airport, Laoag International Airport, Tuguegarao Airport at Camiguin Airport.
Samantala ang mga pumayag nang buksan ang kanilang paliparan ay ang Catarman at Ilo-Ilo Airport na bukas na ng June 16, Basco Airport, Virac Airport at Butuan Airport, San Vicente Airport at Busuanga Airport na magbubukas sa July 1, Surigao Airport sa Agosto, at Siargao sa September 1.
Samantala, pinapayagan naman ang paglapag ng domestic flights sa may 23 lugar.