Ginagamit na sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City ang mga donasyong baril na ibinigay ng China sa PNP o Philippine National Police.
Ito’y ayon kay S/Supt. Rolando Anduyan, Deputy Regional Director ng Police Regional Office sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao makaraang pinabulaanan nito ang ulat na palyado umano ang mga donasyong baril.
Ayon kay Anduyan, kanila aniyang naoobserbahan na nagtatagal sa bakbakan ang mga kaloob na Dagunov Sniper Rifle at 300 M-14 rifle ng China at maganda ang kalidad nito.
Magugunitang 3000 matataas na kalibre ng armas at milyun-milyong bala ang libreng naideliver ng China kung saan, 2900 ang napunta sa pulis habang 100 naman ang sa militar.