Sa kauna-unahang pagkakataon, paliliparin na ng Philippine Navy ang mga donasyong eroplano mula Japan.
Ito’y para mag-patrolya sa pinag-aagawang Bajo de Masinloc o Panatag Shoal/ Scarborough Shoal ngayong araw.
Ito ang unang misyon ng TC-90 aircraft na unang pinarentahan ng Japan sa Pilipinas pero kalauna’y ibinigay na rin ng libre.
Ayon kay Commodore Sean Anthony Villa, Deputy Commander PH Fleet, patunay ito na nag-upgrade na ang militar at ng magandang ugnayan ng Japan at Pilipinas.
Noong nakaraang linggo, nagpatrol din ang Philippine Air Force sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc kung saan namataan ang limang barko ng China.
Kalapit lamang ng Zambales ang Panatag Shoal na pasok sa 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas pero inaangkin ito ng China.
Sa kauna-unahang pagkakataon, mga donasyong eroplano mula Japan, paliliparin ng Ph Navy para magpatrolya sa pinag-aagawang Bajo de Masinloc (Panatag Shoal/Scarborough Shoal) ngayong araw @dwiz882 pic.twitter.com/eP7oRJoPJw
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) January 31, 2018
—-