Inihayag ng alkalde ng Baguio City na si Benjamin Magalong na hindi papayagang bumiyahe ang mga drayber ng pampublikong sasakyan kung hindi ito bakunado.
Aniya, ang papayagan lamang na mag-operate sa lungsod ng Baguio partikular ang mga jeep, taxi at UV express ay ang mga drayber na fully vaccinated at nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Layunin ng alkalde na maprotekyunan ang mga biyahero laban sa banta ng COVID-19.
Samantala, tiniyak ng otoridad na maipatutupad pa rin ng maayos ang health and safety protocols. —sa panulat ni Airiam Sancho