Hindi na pahihintulutang dumaan sa mass transport route ng Baguio City ang mga driver na hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19 simula ngayong araw.
Sa isang advisory, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tanging mga nabakunahang driver ng public utility jeepney, taxi, at UV express ang papayagang makapag-operate sa lungsod.
Layon aniya nito na maprotektahan ang mga pasahero laban sa COVID-19.
Batay sa direktiba, ang mga driver na hindi pa bakunado, residente man o hindi, ay dadalhin sa drive-thru vaccination site sa Baguio Athletic Bowl. —sa panulat ni Hya Ludivico